Impeachment complaint vs PNoy ayaw patulan

AYAW patulan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsasampa ng impeachment complaint ni Minority Leader Danilo Suarez laban sa kanya.

Ang katwiran ng Chief Executive ay dahil sa wala namang ginawa sa kanyang sarili si Cong. Suarez kundi ang idemanda ang lahat ng tao sa gobyerno.

Kaya nga, sa halip na mapikon ay pinaalalahanan nito ang mambabatas na ituon na lang ang isip at atensyon sa pag-aasikaso sa ibang bagay sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang pagpipilit na sampahan siya ng impeachment case.

“Ulitin ko lang, kung sasampahan niya ako ng kaso, ipagtatanggol ko ang sarili ko kung aabot sa isang tunay na pagdinig, pero marami akong pinagkakaabalahn para intindihin pa yung kanyang mga walang katuturan na sinasabi.”

Binigyang diin pa rin ng Punong Ehekutibo na masyado na siyang maraming pinagkakaabalahan para intindihin pa ang mga bagay na walang katuturan at taong wala nmang kwenta ang sinasabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply