Impeachment complaint vs PNoy ibinasura

IBINABASURA na ng Minorya ang posibilidad ng pag-indorso sa impeachment complaint na inihain ng isang Atty. Danilo Lihaylihay laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Binigyang diin ni House Minority Leader Danilo Suarez na wala umano silang nakikitang ebidensya na magpapatunay na may impeachable offense na nagawa ang Pangulong Aquino kung ang pagbabatayan ay ang grounds na tinukoy ng complainant.

Naniniwala rin sina Suarez at Isabela Rep. Rodolfo Albano na masyado ng naabuso ang impeachment process dahil sa sunod-sunod na paghahain sa Kamara ng reklamo laban sa ilang officials.

Ang pinakahuli aniya ay ang paglusot ng impeachment complaint sa House committee on justice laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mariano del Castillo na naka-angkla sa betrayal of public trust dahil sa plagiarism.

Naniniwala sina Suarez at Albano na ang impeachment ay hindi dapat magamit sa layuning pagkiling sa isang pulitiko.

Sa reklamo ni Lihaylihay, binanggit ni Suarez na ang bentahan sa isang lupain sa Baguio City ay naganap noong panahon pa ni dating Pangulong Fidel Ramos at napirmahan lamang ni Pangulong Aquino ang deed of sale nito nang siya na ang naka-upong pangulo.

Umapela rin sina Suarez at Albano sa administrasyon na huwag mapipikon sakaling may magbibigay ng impeachment complaint laban sa mga impeachable officials dahil bahagi ito ng gampanin ng mga mambabatas.

Sinabi pa ni Suarez na hindi magpapabigla-bigla ang oposisyon sa pag-eendorso ng impeachment upang hindi sila masabon ng mga senator-judge.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply