Impeachment complaint vs PNoy nasa oposisyon na

HAWAK na ng oposisyon sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, ang reklamo ay isinampa daw ng isang taxpayer mula sa Baguio City na si Danilo Lihay-lihay.

Ito’y bunsod ng umano’y kapalpakan ni Pangulong Aquino nang ibenta ang Old Pines Hotel sa halagang P70 milyon gayong umaabot sa P1.7 bilyon ang orihinal na presyo nito.

Wala pang desisyon ang oposisyon kung iiendorso ang reklamo.

Kasalukuyang nagpupulong ang oposisyon sa Kamara para pag-usapan ang magiging posisyon sa naturang reklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply