Impeachment sa Pilipinas: May peke na, may suhol pa

ANO kaya ang masasabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez sa kasong impitsmen ni Mang Atong Corona?

Kasi may may peke, may sinungaling at may tsismis sa suhulan.

Inihayag mismo ng testigo ng manager ng PSBank na si Annabelle Tiongson na peke ang dokumentong  ginamit ng mga tagausig-kong-resman ukol sa nakabangkong dolyar ni Mang Atong.

Magkaiba umano ang nilalaman ng kanilang orig na dokumento sa dokumentong bigay sa mga tagausig-kongresman ng isang ismol ledy kunod sa Senado.

Sinabi naman mismo ni Mang Johnny na nagsisinungaling ang mga tagausig-kongresman sa pagsasabing iniabot ang papel sa isa sa kanila sa Senado dahil wala namang nakitang nag-abot dito.

Sa ibang lugar naman umano iniabot ni Mr. Sinungaling ang mga dokumento sa kanyang mga kasamahan.

Ano ba talaga ang totoo, huh?

oOo

Sa kabilang banda, nagkaroon naman umano ng hakbang para sa panunuhol na magaganap sa susunod na linggo.

P100 milyon umano ang suhol sa bawat senador-hukom na magbabasura sa  temporary restraining order ng Korte Suprema sa paglalabas ng dollar account ni Mang Atong.

Siyempre, kanya-kanya ang pagpapasinungaling ng mga senador-hukom sa bintang na panunuhol ng isang KKK ni PNoy kasabay ng pag-uutos sa mga KKK naman ni Mang Atong na magpaliwanag kung hindi iko-contempt at ikukulong sila.

oOo

Sa totoo lang, nakatatawa na hindi ang nagaganap na paglilitis sa Senado.

Paano ka hindi mabubuwisit sa dami ng mga sinungaling, peke at manunuhol, huh?

Kung matatawa ka naman, baka namang napapraning ka na sa nagaganap.

Nakupo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply