Impeachment trial isang learning experience – Chiz

INAMIN ni Senador Francis Escudero na learning experience para sa kanila ang nagaganap na paglilitis laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa senador, bilang isang abogado at mambabatas, marami siyang natutunan sa impeachment trial na maaari niyang magamit sa mga susunod na usapin na kanilang matatalakay.

Dagdag pa ni Escudero, maging sa kanyang personal na karanansan, may mahalagang punto ring natutunan gaya ng pagdedeklara ng mga parking lot para sa mga may condo unit bilang hiwalay na property, regular na pag-update at pagsasaayos ng statement of assets liablities and networth (SALN) at marami pang iba.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniya dapat makalimutan ang tunay na isyu ng impeachment trial kaugnay sa mga alegasyon ng House prosecution panel sa nasasakdal na punong mahistrado.

Tumanggi namang sumagot si Escudero para sa mga usaping may kaugnayan sa merito ng impeachment case ni Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply