Impeachment trial tatagal pa– Villar

POSIBLENG tumagal pa ang paglilitis ng impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang naging pahayag ni Senador Manuel “Manny” Villar hingil sa pagpapatuloy ng Senate Impeachment Court bago sumapit ang Mahal na Araw ngayong Abril dahil sa hindi pa nakukuha ng prosekusyon ang numero para ma-convict ang nasasakdal.

Subalit ayon kay Villar, na halos isang buwan na ang itinatakbo ng paglilitis ng kaso ni Corona sa ay wala pa ring nangyayaring linaw kung maco-convict o hindi si Corona.

Ipinahiwatig ni Villar na kung may numero na ang prosekusyon para i-convict si Corona, hindi na aabot sa Mahal na Araw ang impeachment trial bagkus ay baka magkaroon ng botohan ngayong Marso.

“Kung may numero na sila, ngayon pa lang ire-rest na nila yung case,” pabiro subalit malaman na pahayag ni Villar.

Para ma-convict si Corona, kailangan ang 2/3 boto ng mga miyembro ng Senado o 16 boto ng mga senador habang 1/3 naman ang para sa acquittal o walong boto ng mga senador.

Sakaling abutin sila ng Lenten break, sa Mayo pa babalik ang impeachment trial kasabay ng sesyon ng Senado.

Nasa ikatlong article of impeachment pa lamang ang prosekusyon kung saan natapos na nila ang Article 2 at 3 habang nakasalang pa ngayon ang Article 7 o ang ginawang pagmamaniobra umano ni Corona para mailabas ang temporary restraining order (TRO) sa travel ban ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa Lunes (Pebrero 27) ay pag-uusapan ng mga senador sa isang caucus ang hirit ni Senador Antonio Trillanes IV na padalhan ng written interrogatories si Associate Justice Maria Lourdes Sereno hinggil sa mga kaganapan ng en banc session ng SC bago inilabas ang TRO sa watchlist order ng Department of Justice (DOJ).

Unang inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na nahihirapan siya kung maaaring ipatupad ang interrogatories para kay Sereno.

Subalit patuloy na iginigiit ito ni Trillanes na padalhan ng naturang written interrogatories.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply