Impeachment vs Del Castillo may probable cause

LUMUSOT na sa House committee on justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Sa botong 36 ay idineklara ng komite na may “probable cause” ang betrayal of public trust na inihain laban kay Del Castillo samantalang sampu lamang ang nagsabing walang sapat na dahilan upang magdeklara ng probable cause.

Bago nagbotohan ay iminungkahi ni House Minority Leader Danilo Suarez na ipagpaliban ang botohan hanggang sa matapos ang operasyon ni Del Castillo na nakatakda sa February 27, 2012.

Tinangka nina Albay Rep.  Edcel Lagman at Zambales Rep. Milagros Magsaysay na ipadeklarang walang probable cause ang reklamo pero natalo sila sa botohan.

Sa paliwanag ni Lagman, iginiit nito na wala ng hurisdiksiyon ang justice committee sa Del Castillo complaint dahil matagal ng nagpaso ang 60 session days para disposisyon dito sa committee level.

Bukod dito, sinabi ni Lagman na ang plagiarism ay hindi naman isang krimen kaya hindi maaaring maging impeachable offense.

Katuwiran naman ni Magsaysay, mismong ang mga lola na complainant na ang nagsabi na hindi nila gustong mapatalsik si Del Castillo kundi gusto lamang na mabaligtad ang pagbabasura ng Supreme Court sa comfort women case.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply