Impeachment vs Del Castillo sapat ang grounds

SAPAT ang “grounds” ng impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Ito ay matapos pumabor ang 27 kongresista dito,kontra sa limang tutol, habang nag-asbtain naman si Albay Rep. Edcel Lagman sa pagdinig ngayon ng House committee on justice.

Matapos madetermina ang suffeciency in grounds ay isusunod naman ang “probable cause” at saka maglalabas ng report ang komite para ihain na sa plenaryo ang naturang reklamo.

Nauna rito ay nagbotohan din ang komite sa mosyon ni Lagman na ibasura ang impeachment complaint laban kay Del Castillo dahil sa kawalan ng jurisdiction.

Dalawampu’t walong kongresista na pawang kaalyado ng administrasyon ang bomotong hindi dapat ibasura ang impeachment dahil hindi pa nauubos ang 60 araw na sesyon na siyang itinatakda sa batas.

Batay sa bilang ni Lagman, nasa 84 na araw ng sesyon ang lumipas kung kaya wala ng hurisdiksyon ang komite subalit sa sertipikasyon ng secretariat ay 55 na araw na sesyon pa lamang ang lumilipas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply