Ina binurdahan ng kelot; 3 anak grabe

NASAWI ang isang ina habang nasa malubhang kalagayan ang tatlo nitong anak matapos pagsasaksakin sa kanilang bahay ng isang lalaking nakasagutan ng una sa Barangay 162, Libis Reparo, Caloocan City kaninang madaling araw, Pebrero 6.

Sa inisyal na imbestigasyon, nanlaban ang biktimang si Anna Agullo, 48, dahilan upang pagsasaksakin ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek na si Ivan Climaco.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang ginang habang naisugod din sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mga sugatan niyang anak na sina Justine Anne, 15; Arvin John, 13, at Arphel John, 10.

Nakatakas naman ang suspek na hinihinalang adik.

Ayon sa kamag-anak at kapitbahay ng mga biktima na si Amy Dionisio, nakasagutan umano ni Anna ang suspek nang sinisingil ito sa utang.

Base naman sa Caloocan City Police, walang nawawalang gamit o pera sa pamilya kaya nakatuon ang kanilang imbestigasyon sa paniningil ng utang ng biktima sa suspek.

Kasalukuyang tinutugis na ng pulisya ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply