Inaway ng dyowa, kelot nagbaril sa sarili

TIGOK ang isang kelot matapos sumpakin ang sarili matapos mag-away ng kinakasama sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Pebrero 15.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng mga bala ng sumpak sa dibdib si Oscar Rosio, 23, ng Salmon St., nasabing lungsod.

Batay sa ulat, alas-9:45 ng gabi, nagtatalo ang biktima at kinakasama na si Mary Jane dela Cruz sa loob ng kanilang bahay hanggang sa pumasok ng kuwarto si Rosio.

Makalipas ang ilang sandali ay may pumutok at nang tingnan ang biktima ay duguan na itong nakahandusay habang nasa tabi ang sumpak.

Inaalam na ng mga pulis kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply