Industriya ng sapatos, leather goods at tannery palalaguin

UPANG matulungan ang industriya ng paggawa ng sapatos, leather goods at tannery at makasabay sa pandaigdigang hamon at sa globalisasyon, hiniling ng isang mambabatas na palawigin pa ang pagbibigay ng insentibo sa mga nasa industriyang ito.

Ayon kay Rep. Marcelino Teodoro, 1st District, Marikina City, layunin ng House Bill 5679 na amyendahan ang Republic Act 9290 o ang “Footwear, Leather Goods and Tannery Industries Development Act.”

Paliwanag ni Teodoro, ang RA 9290 ay naisabatas noong Abril 2004 bilang pagkilala sa footwear, leather goods and tannery industries bilang isang potensiyal na makapagbibigay ng trabaho sa mamamayan at makakatulong upang tumaas ang foreign exchange earnings ng bansa sa pamamagitan ng exports at import substitutes.

Ayon kay Teodoro, isa sa pinakamahalagang probisyon sa batas na ito ay ang pagbibigay ng time-bound incentives para sa qualified enterprises sa pamamagitan ng tax credits, additional deduction on gross income, zero duty sa mga inaangkat na capital equipment at promotion, advertising at sale ng mga lokal na produkto na ibebenta sa duty-free shops na pinangangasiwaan ng pamahalaan.

“Kahit na mag-iisang dekada na ang RA 9290, nahaharap pa rin sa malaking pagsubok ang industriyang ito dahil na rin sa globalisasyon dahilan upang ang karamihan dito ay tuluyan nang magsara,” ayon pa kay Teodoro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply