Info and com-tech dept. aprub na sa Senado

APRUB na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang lumilikha sa Department of Information and Communications Technology (DICT), isang ahensiya ng gobyerno na nakatuon sa paglago at pagpapaunlad ng information and communications technology sector sa buong bansa.

Sa ipinalabas na pahayag, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 50 o DICT Act of 2010 na may 12 affirmative votes, walang sumalungat at walang hindi bomoto.

Si Sen. Edgardo Angara ang pangunahing awtor ng panukala katulong sina Sen. Loren Legarda at Manny Villar bilang co-sponsor.

Nasiyahan naman si Senate President Juan Ponce Enrile sa pagkaka-apruba ng panukala sa pagsasabing dapat mapaunlad at gamitin ng pribado at pampublikong sector ang pinakamahusay na teknolohiya para sa bansa upang makaagapay sa pandaigdigang kumpetisyon.

Sa ilalim ng panukala, ipinaliwanag ni Angara na ililipat sa DICT ang lahat ng ahensiya na may relasyon o kaugnayan sa komunikasyon mula sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Nauna nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 4667 noong Disyembre.

Sinabi pa ni Angara na maraming bansa sa buong mundo ang may sariling hiwalay na kagawaran na may dedikasyon sa pagpapaunlad ng ICT dahil napagtanto niya na ito ang magiging tagapag-inog ng kaunlaran.

Naniniwala pa si Angara na sakaling tuluyan nang maitayo ang DICT, makapagbibigay ito ng makabuluhang suporta sa Information Technology and Business Process Outsourcing (IT-BPO) industry sa bansa na mayroong mahirit 3.5 milyong manggagawa sa direct at indirect jobs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply