Inspeksiyon sa abandonadong gusali iniutos

DAHIL sa naganap na magnitude 6.9 lindol sa western Philippine ay pinaigting ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagsasagawa ng inspeksiyon  sa mga lumang gusali lalo na sa mga idineklarang condemn at abandonado sa lungsod.

Ayon kay Lim, inatasan niya si building official Engr. Melvin Balagot na agad magsagawa ng inspeksiyon at monitoring sa mga gusali gayundin sa mga paaralan.

Dapat aniya’ng unahin ang inspeksiyon hinggil sa structural credibility ng mga gusali na matatagal na at mga luma pang disenyo na peligrosong magdudulot ng panganib.

Aniya, mas mabuti nang handa ang city government at maiwasan ang pagkawala ng buhay ng mga residente.

Maaari ring isagawa ang earthquake drill upang maging handa ang lahat sa sandaling maganap ang lindol.

Tinamaan ng lindol na 6.9 magnitude ang Negros at Cebu kahapon kung saan mahigit 50 katao na ang naiulat na namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply