Insurance sa public infra iginiit sa GSIS

INATASAN ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Government Service Insurance Service (GSIS) na bumuo ng isang insurance scheme upang mailagay sa seguro ang lahat ng pampublikong imprastraktura at matiyak na may pondong magagamit sa rehabilitasyon at pagkukumpuni sakaling magkaroon ng kalamidad.

Ayon kay Escudero na palaging nagkukumahog sa paghahanap ng pondo ang pamahalaang lokal sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng pampublikong imprastraktura pagkatapos ng kalamidad tulad ng lindo, baha at iba pang kauri.

“When tragedy strikes and local infrastructure assets are down, immediate restoration and rebuilding is needed to restore normalcy and recovery in the community. But this is a costly undertaking for most LGUs that operate on scarce resources. Relief and rehabilitation costs always surpass the stand-by disaster mitigation fund,” ayon kay Escudero.

Noong nakaraang taon, nakipagtulungan si Escudero, chairman ng Senate committee on environment and natural resources, sa GSI upang makabuo ng insurance scheme para sa mga pampublikong paaralan partikular sa lugar na malapit sa Pacific Ocean na palaging dinadaanan ng bagyo.

Sa harap ng natural na kalamikdad na nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sinabi ni Escudero na panahon na upang palawakin ang kanyang panukala upang maisama ang pampublikong yaman tulad ng lansangan, tulay, dam at gusaling pampubliko.

Base sa panukala ni Escudero, magsisilbing underwriter ang GSIS na siyang maglalagak ng seguro sa pribadong kompanya na sasakupin ang bagyo at pagbaha, sunog at tama ng kidlat, lindol at kauri na isasama din ang pagsabog ng bulkan, tsunami, pagguho ng lupa, riot at kaguluhang sibilyan, at pagbangga ng aircraft at anumang sasakyan.

“Our largest infrastructure assets which directly benefit the community are the roads. Disaster risks and adverse impacts on these suspend community life. Even immediate relief is unrealistic to send, just like what unfortunately happened in Cagayan de Oro and the recent earthquake tragedy in Negros Oriental,” paliwanag ng senador.

Sinabi pa ni Escudero na puwede nang simulan ng gobyerno sa pakikipagtulungan sa GSIS na makabuo ng isang panukala sa pagtataya ng mga ari-arian na siyang pagbabasehan ng policy coverage base sa replacement value na tatayain ng underwriter na mayroong no-fault, outright payment clause.

Aniya pa, makikinabang sa panukalang ito ay ang mga local government unit (LGU).

“It may sound as an additional cost to their (LGUs) annual budget, but I believe they would rather have a projected cost to put in the budget than incur emergency spending from disaster-related events which are unpredictable and very costly,” ani Escudero. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply