Intensive physiotherapy inirekomenda ng mga doktor ni CGMA

INIREKOMENDA ng mga attending physicians ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na isailalim ito sa tinatawag na “intensive physiotherapy” dahil sa dinaranas nitong cervical at lumbar osteoarthritis.

Ayon sa pagdinig ngayong umaga sa sala ni Pasay-RTC Judge Jesus Mupas, inirekomenda ng mga doctor ni CGMA na sumailalim ito sa physical and massage therapy ng tatlong beses kada linggo.

Kailangan din umanong tuloy-tuloy ang therapy session sa loob ng isang buwan.

Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City dahil sa kasong electoral sabotage.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply