Iresponsableng texter pinatitigil ng obispo

PINATITIGIL ng isang obispo ng Simabahang Katolika ang mga taong iresponsableng nagpapakalat ng text messages na posibleng muling magkaroon ng lindol at tsunami sa Negros Oriental at Negros Occidental.

Ito’y kasunod nang naganap na pagtama ng malakas na lindol sa mga naturang lugar noong Lunes (Pebrero 6) na naminsala ng mga ari-arian at kumitil ng maraming buhay.

Ayon kay Bacolod Bishop Vicente Navarra, walang mabuting idudulot sa publiko ang mga naturang text messages na wala namang basehan dahil nagdudulot lamang ito ng takot at trauma sa mga tao.

Sinabi pa ni Navarra na sa halip na walang katuturang pananakot ay dapat na mga panalangin na lamang ang i-text sa mga biktima ng lindol para maibsan ang kanilang paghihirap.

“I appeal to all our people specially for Negros please send  your help here specially for those who are devastated areas so that these people can start making up again for their own leaving and please pray, pray for us,” panawagan pa ng Obispo, sa panayam ng church-run Radio Veritas,

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply