Isa na patay sa landslide sa Real, Quezon

ISA na ang naitatalang namatay sa naganap na landslide sa Real, Quezon dala nang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan mula pa kahapon, Lunes, Pebrero 20.

Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakilalang lalaki na may edad 16 hanggang 20 sa Bgy. Tignoan.

Dahil sa sunod-sunod na landslide, ilang pamilya na rin ang napilitang lumikas sa kanilang bahay sa takot na maguhuan ng lupa mula sa bundok.

Pero kanina ay nakabalik na ang ibang residente sa kanilang tahanan matapos ang maghapong paglabas ng haring araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply