Isa pa tungo sa 2-peat ng Road Warriors

TULUYAN nang inilugmok ng NLEX Road Warriors ang nagbabantang Freego Jeans Makers sa unang game ng kanilang best-of-3 title match para mapalapit sa korona sa PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa pagtatapos ng unang quarter ay naitala ng defending champions ang abante sa score na 21-16 hanggang hindi na binitiwan ang kalamangan hanggang magsara ang laro sa 75-51.

Ang 6’6” na si Ian Sangalang ang itinanghal na best player of the game sa ibinuslo niyang 20 puntos, 8 boards, isang steal at dalawang blocks na sinuportahan ni 2010 UAAP Most Valuable Player na si Ryan Roose Garcia na nagtotal ng 19 points, 5 assists habang 15 rebounds naman ang nahablot ni Cliff Hodge sa pamamayagpag ng Road Warriors sa rebounds na 59 kontra 35 ng Jeans Makers.

Masusukbit ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang korona sa second game na gaganapin sa San Juan Arena sa araw ng Martes (Pebrero 7) kapag hindi nakapaglaro ng maayos ang mga bataan ni coach Leo Austria. Tangkad ang gandang shooting sa perimeter ang naipanalo ng Road Warriors na iniwanan pa ng 20 puntos ang Jeans Makers partikular sa third at final quarters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply