Isinusulong na impeachment sa 8 mahistrado tatablahin ni Belmonte

TAHASANG sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na hindi siya susuportahan ang panawagang pagpapa-impeach sa walong mahistrado ng Korte Suprema na pumabor sa temporary restraining order (TRO).

Ito ay kaugnay sa pagharang ng Korte Suprema na buksan ang limang dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanag ni Belmonte na hindi magtatagumpay ang posisyon ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas na pagpapa-impeach sa walong mahistrado.

Subalit ayon sa speaker, naiintindihan niya ang sintimiyento ng kanyang mga kasamahan.

Ikinatuwiran ni Belmonte na nadismaya lamang marahil si Farinas sa pagkakalabas ng TRO para buksan ang limang dollar accounts umano ni Corona sa PSBank subalit hindi niya ito susuportahan.

Matatandaang nanawagan si Farinas noong Huwebes sa mga kasamahang mambabatas na maghain ng resolusyon para sa impeachment ng walong mahistrado.

Ani Farinas, pangungunahan niya ang pagsusulong sa resolusyon ukol sa article of impeachment sa walong mahistrado ngunit kung tatanggihan umano ng liderato na suportahan ang kanyang panawagan ay wala siyang magagawa.

Ang walong mahistrado na bomoto pabor sa TRO ay sina Justices Teresita de Castro, Arturo Brion, Roberto Abad, Jose Perez, Lucas Bersamin, Martin Villarama, Bienvenido Reyes at Jose Mendoza.

Habang ang mga kumontra ay sina Justices Antonio Carpio, Ma. Lourdes Sereno, Mariano del Castillo, Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe.

Hindi naman nakibahagi sina Corona at Justice Presbitero Velasco sa deliberasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply