Island hopping activity sa Bora hinigpitan

MAS hihigpitan pa ng pamunuan ng Boracay Island Hopping Association Multi Purpose Cooperative (BIHA) ang aktibidad na island hopping sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos ang aksidenteng kinasangkutan ng sampung foreign tourists noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat, nagmula sa pag-a-island hopping ang nasabing bilang ng turista nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka.

Sa nasabing insidente ay nailigtas ang sampung turista at isang Filipinong crew nito habang nawala ang boat captain, na patay na nang matagpuan.

Ayon sa pamunuan ng BIHA, ang paghihigpit sa naturang aktibidad ay bilang pagtalima sa kautusan ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Naglagay na ngayon ng UHF-radio sa bawat bangka ng BIHA upang madaling makontak ang mga tripulante habang naglalayag sa dagat.

Gagamitin din ang naturang radyo para sa pagbibigay ng babala kapag may peligro at upang ma-monitor ang mga ito.

Ayon sa BIHA, kahit na uso ang cellphone ngayon ay mayroong parte ng isla na walang signal kaya kailangan ang UHF radio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply