Iza Calzado happy sa kaibigang si Grace Lee

HAPPY Iza Calzado para sa kaibigan niyang si Grace Lee na iniuugnay ngayon kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ani Iza si Grace ang tipo ng babae na pwedeng-pwedeng i-date ni Pangulong Aquino.

“I’m happy for her. I think she is somebody that the President can date.”

Sinabi pa ni Iza na ang pagkakakilala niya kay Grace ay isang disenteng babae.

Hangad din ni Iza ang lahat ng makabubuti sa kakahantungan ng relasyon ng presidente at ng kaibigan.

Matatandaan na noon ay naiugnay din si Iza kay Pangulong Aquino.

Samantala, happy naman si Iza sa kanyang paglipat sa ABS-CBN. Nakatakda siyang mapanood sa isang episode ng longest drama anthology sa Asya na “Maalaala Mo kaya.”

Nabatid na mayroon pang mga proyekto na inihain para sa kanya ang Kapamilya network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply