Jake guilty sa pang-aaswang kay Lovi?

SINAYANG ni Jake Cuenca ang pagkakataon na makapag-usap sila ng masinsinan ni Ronald Singson para maipaliwanag niya ang kanyang side tungkol sa mga naglabasang balita na kesyo inaswang niya si Lovi Poe habang ang matikas na dating congressman ay nasa Hong Kong at pinagsisilbihan ang parusa nito.

Imbes na manatili at makipagsaya sa kaarawan ni Dinagat Governor Jade Ecleo na ginanap sa Naci na matatagpuan sa Connecticut, Greenhills last February 4, bigla itong tumalilis nang dumating si Mr. Singson. Ano ‘yun, guilty siya kaya natakot siyang harapin ang ex-politician?

Aba’y ang bait-bait ni Ronald matatakot siya. Siya na rin ang nagsabing nag-text na siya sa una at naipaliwanag na rito mga nangyari, bakit di niya sinabi ng personal ang mga pinadala niyang mensahe para naman mas matuwa sa kanya ang boyfriend ni Lovi at maniwalang wala nga siyang ginawa para sukatin ang pagkalalaki ng mama.

Naku, heto pa, bigla raw niligawan ng aktor si Bangs Garcia upang ipakita lamang na wala nga silang naging koneksyon ng morenang aktres. Pero pa’no kaya nito ipaliliwanag ang tsismis na ang Kapuso star pa daw ang gumastos sa kanyang birthday party?

Mahaba-habang usapan ‘yan.

‘Yun na!

o0o

Anghang ng panulat ni Alfie Lorenzo kasabik-sabik pa ring basahin

WALA pa ring kakupas-kupas si Tito Alfie (Lorenzo) pagdating sa pagsusulat. Dumaan man ang maraming taon, ang timbre, estilo at anghang ng kanyang panulat ay kasabik-sabik pa ring basahin at nanatiling nakasunod sa panahon.

Hindi sinauna. Hindi makaluma. Kaya nga kapag may panahon kami hindi namin nakakaligtaang basahin ang kanyang column.

Sayang nga lang at tinatamad na yata siyang humawak ng napakaraming talent. Tanging si Judy Ann Santos na lamang ang alaga niya ngayon.

Kakaiba rin si Tito Alfie. Sa isang katulad niyang sikat na manunulat, kinatatakutan pero nirerespeto sa showbiz, dapat ginamit na niya ito sa mas maraming talent na puwede niyang hawakan upang magtagumpay ang mga ito, eh, mas gusto pa yata niyang maglibang-libang na lang dahil wala na nga naman siyang dapat patunayan pa bilang isang manunulat at talent manager. Nakuha nya nang lahat kaya papitik-pitik na lang siya ngayon. Palamig-lamig. Paroo’t parini na lang sa kanyang mansion sa Pampanga at bahay bakasyunan sa Antipolo. Mas gustong pa niyang maghimas ng mga alagang hayop kesa sa humawak ng mga artista. At kapag nasa Maynila naman siya, sa kanyang malaking room sa Manila Pavillion siya naglalagi.

o0o

Dahil sa naudlot na kasalan…
Sikat na personalidad at playboy na bf madalas magtalo

NAKITA ng sikat na personalidad ang importansya ng kanyang mga kadugo kaya mas sinunod niya ang mga ito kesa sa kanyang boyfriend. Ngayon ay nagdadalawang-isip na siyang pakasalan ang bf niya. Mukhang mauuwi pa nga sa wala ang relasyon nila ng nasabing lalaki dahil nag-iinarte na raw ito porke’t hindi nasunod ang gusto.

Paano’y pinipilit ang kilalang personality na magpasakal, este magpakasal na sila ng playboy na bf kahit pumirma raw ito ng pre-nuptial agreement. Pero mas nangibabaw ang pagmamahal ng una sa kanyang tunay na pamilya kaya nag-aalburuto na raw ang kumag at itutuloy na lang daw nito ang naudlot niyang pag-aartista. Para bang tinatakot niya ang kanyang syota sa desisyon niyang ito, na baka nga naman makakita siya ng mas bata, sariwa, makatas at magandang girlita kapag isa na siyang ganap na showbiz personality.

Isa pa sa nagpataas ng ilusyon ng babaerong gwapong binatang ito na pumasok sa katsang telon nang manood ito ng concert ng magandang foreign singer at nang magpa-kodak (hehehe!) siya rito ay napagkamalan siyang artista. Tuwang-tuwa si mokong. Hayan at tuluyan na siyang nag-decide na umentra sa maintrigang mundo ng pinilakang-tabing, bagay na hindi naman daw nagustuhan ng mabait niyang girlfriend kaya nagkaroon sila ng argumento.

Well, may ‘K’ naman siyang maging actor, kaya lang kailangan pelikulang puro kangkangan ang gagawin niya dahil kilala siyang ma-el at maeksperimento sa sex.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply