James Ingram, fans nabuwisit sa technical problem sa concert

NABUWISIT ang ilang fans ng Grammy Award Winner na si James Ingram dahil sa naganap na technical problem sa concert nito.

Ayon sa ilang nakapanood, nagkaroon ng technical problem sa kabuuan ng show.

Nagkaproblema raw ang mikropono ng batikang singer kahit na pinalitan na ito.

Ayon pa sa ulat, maging si James ay nadismaya sa nangyaring problema at kinausap pa nito ang microphone at sinabing pinapahiya siya.

Dahil sa pagkairita, napa-push up pa raw ang singer habang inaawit ang all time favorite na “Just Once.”

Pero dahil propesyunal si James ay tinapos nito ang concert.

***

SA concert pa rin, hindi pa rin kumukupas ang linis ng boses ni Ingram.

Parang kumukulog sa loob ng Smart Araneta Coliseum dahil sa masigabong palakpakan at tili ng fans nang pumasok na ang intro ng Just Once, ang kantang pinasikat ni mahusay na singer.

Mega clap, clpa clap ang fans nang makipag-duet si James kay Lea Salonga ng “Somewhere Out There.”

Naispatan din sa concert ang ilang celebrities gaya nina Aaron Villaflor, Aubrey Miles with her hubby Troy Montero at maging si Carmen Soo.

***

NITONG nakaraang linggo lang ay bumisita pa si James sa It’s Showtime kung saan nagpasikat at nag-sample-sample pa siya.

Hindi lang yan, namudmod din ng ticket ang mahusay na singer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply