Janelle nangangamba sa pagkabulgar ng kanyang safehouse

NANGANGAMBA ngayon ang kampo ng aktres na si Janelle Manahan matapos na isiwalat umano ng abogado ng Pamilya Bautista ang safehouse na tinutulyan niya.

Ayon kay Atty. Argee Guevarra, abogado ni Janelle, sa halip na sa law office niya ipadala ni Atty. Jeffrey Gepte ang kopya ng pleading ay mismong sa safehouse ni Manahan ito ipinadala.

Nabigyan din aniya ng kopya ng naturang pleading ang mga akusado sa pagpatay kay Ramgen Revilla, kabilang na ang mga kapatid nito na sina Ramon Joseph (RJ) at Ragelyn Gail Bautista.

Dahil sa nasabing umano’y pambubulgar ay pinagpapaliwanag ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Judge Fortunito Madrona si Atty. Gepte.

Nauna na ring inihayag ng kampo ng mga Bautista na mahahanap nila si Manahan kahit saan man ito magtago.

Samantala, kaninang umaga, dininig sa Parañaque RTC ang magkabilang panig ukol sa mosyon ng proseksyusyon na ikansela ang passport ni Ma. Ramona “Mara” Bautista, na isa sa mga inginungusong utak sa pagpatay sa kanilang panganay na kapatid na si Ramgen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply