Japanese natangayan ng P250K ng GRO

NAPAGNAKAWAN ng halagang P250,000 ng isang guest relation officer (GRO) ang isang Japanese national sa tinuluyan nilang hotel sa Barangay Urbiztondo, bayan ng San Juan, La Union.

Ang biktima ay kinilalang si Takishi Azada, 49, kasalukuyang nangungupahan sa nasabing lugar.

Nabatid sa ulat ng San Juan Municipal Police Station, dinala ng lasing na dayuhan ang naturang GRO sa kanyang tinutuluyang hotel upang magpalipas ng oras at matulog.

Nang magising ang dayuhan, wala na sa kanyang tabi ang babae at natuklasan na nawawala na ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P200,000 at camera na nagkakahalaga naman ng P50,000.

Malaki umano ang hinala ng biktima na ang babae na dinala nito sa hotel ang tumangay sa kanyang mga gamit.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply