JC de Vera tilam-tilam sa kissing scenes nila ni Nadine Samonte sa ‘Valiente’

NGAYON palang ay excited na si JC de Vera sa kissing scenes nila ni Nadine Samonte sa soap na “Valiente” ng TV5 na magsisimula na sa February 13. Kasi, first time lang nilang magti-team up na dalawa kahit pareho silang galing sa GMA-7.

Galing si Nadine sa StarStruck Batch 1 kaya nakaka-partner niya ay taga-StarStruck actor rin. Si JC ay homegrown talent ng GMA-7 na di dumaan sa StarStruck dahil alaga siya ni Annabelle Rama.

Parehong sikat na lead stars na ng GMA-7 sina Nadine at JC nang lumipat sila sa Kapatid Network. Parehong nagsabi ang dalawa na malaki ang utang na loob nila sa nasabing network. Pero pinahahalagahan din nila ang ginawang break sa kanila ngayon ng TV5.

Para kay Nadine, nakatamtan niya ang mga roles na gusto niyang gawin sa TV5, although nang umalis siya sa Siyete ay tinumbasan naman daw ng Kapuso network ang ibinibigay na kontrata ng Kapatid Network.

Ani Nadine: “Eh, nakapag-commit na kasi ako sa kausap ko kaya itinuloy ko na.”

Samantala, kay JC de Vera, nasabi ng actor na nagawa raw niya ang mga gusto niyang gawin sa TV5 tulad nang maging full time action at drama actor. Ginawa niya ang “Utol Kong Hoodloom” at ngayon naman ang madramang Valiente na idinidirek rin ng dating Kapuso director na si Joel Lamangan. Malaking paghamon kina JC at Nadine ang paglabas sa Valiente dahil hit soap opera ito na parehong ipinalabas noong 90s sa Dos at Siyete.

Madrama ito at punung-puno ng emosyon ang mga eksena. On location ang taping sa hacienda ng mga Leviste sa Lipa, Batangas.

Kasama rin sa Valiente sina Oyo Boy Sotto, Niña Jose, Michael de Mesa, Kerbie Zamora, Gina Alajar at ang nagbabalik na actor sa Pilipinas na si Michael de Mesa.

000

BLOOMING na blooming nang nakita namin si Katrina Halili sa presscon ng “My Beloved.” As usual ay role niya roon ang pagiging pangunahing kontrabida.

Aawayin niya si Marian Rivera dahil mai-in love ito kay Dingdong Dantes na nang panahong iyon ay karelasyon niya.

Anyway, may nagpapaganda raw at nagpapaseksi ngayon kay Katrina. Lihim na lihim raw ito kasi pag dating sa love life ay laging sinasabi ni Katrina na loveless siya.

Ayaw na niyang madawit muna sa love affair. Trauma na raw sa kanya ang nangyari sa kanila ni Hayden Kho. Pero sabi ng source, may secret na karelasyon ngayon ang dalaga kaya always blooming and sexy.

Pero kung totoo o hindi ang tsika sa amin, basta ang masasabi namin ay hindi siya nagbabago kahit kailan sa kanyang pag-uugali na laging may panahon sa press.

000

IBANG pagpapasaya sa libu-libong fans ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang matutunghayan sa Manny Many Prizes ngayong Saturday night dahil milyong piso na naman ang ipamimigay on the spot sa mananalong contestants.

Hindi naman maaalis kay Manny na may pusong mamon sa mga mahihirap dahil galing din siya sa mahirap na pamilya. Naging kargador siya noon nang lisanin niya ang General Santos City at nakipagsapalaran siya sa Maynila at pinasok ang iba’t ibang klase ng trabaho para masuportahan ang sarili habang nag-eensayo ng boxing.

Last week masaya ang programa dahil panauhin sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply