Jennifer Anniston may star na sa Hollywood Walk of Fame

SA WAKAS mayroon na ring sariling “star” ang sikat na Hollywood actress na si Jennifer Anniston sa prestihiyosong Hollywood Walk of Fame sa 6270 Hollywood Boulevard.

Sinabi ng 43-anyos na aktres at dating dyowa ni Brad Pitt, na labis siyang natuwa sa nangyari dahil kinilala siya ng lugar kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Tama, si Jennifer ay tubong Hollywood.

Heto ang pahayag ni Jennifer sa ilang balita: “It feels very surreal to be honest. I was born here and it’s sort of something you went and saw as a kid and got excited about just walking and seeing the names. To imagine that you’re going to be there is really special. It’s fun.”

Si Jennifer Aniston ay nakilala dahil sa kanyang karakter na si Rachel Green sa hit TV series na “Friends” noong 1990s.

Dahil sa nasabing TV series, nakasungkit lang naman ang byuting aktres ng award mula sa Emmy, Golden Globe at Screen Actors Guild Award.

Si Jennifer Anniston ay nagbida sa ilang movie gaya ng “She’s the One” (1996), “The Good Girl” (2002), “Friends with Money” (2006) at “Bruce Almighty” (2003), “The Break-Up” (2006).

Anong say mo Angelina Jolie?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply