Jeremy Lin may Facebook account na

MATAPOS makakuha ng sariling apartment, agad nagbukas ng kanyang Facebook account ang sumisikat na National Basketball Association player na si Jeremy Lin.

Sa pagbubukas ni Lin ng kanyang Timeline-enabled Facebook profile (https://www.facebook.com/lin7) sa publiko ay agad siyang nagkaroon ng 48,622 subscribers.

Sa kanyang account ay inilabas ni Lin ang kanyang mga larawan bilang player ng New York Knicks, Harvard University at Palo Alto High School.

Nilinaw naman ni Lin na matagal na siyang may Facebook account ngunit kahapon ng gabi lamang niya ito binuksan para sa kanyang dumaraming fans.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply