Jinggoy, Miriam kinuwestyon ang pagtatakip ng tenga ni Rep. Aguirre

KINUWESTYON ni Senator-judge Jinggoy Estrada ang pagtatakip ng tenga ng prosecutor na si Rep. Vitaliano Aguirre habang nagsesrmon si Senator-judge Miriam Santiago.

Ayon kay Estrada, hindi maganda ang ginawi ng naturang prosecutor.

Naiirita namang sinabi ni Santiago na dapat na iniiwasan ang mga ganoong “contemptuous gestures” sa loobn ng impeachment court.

Sumagot naman si Aguirre na sumasakit ang kanyang tenga dahil sa iritasyon sa mga pahayag ni Santiago ng sabunin ang prosekusyon.

Una rito, sinermunan ni Santiago ang prosekusyon matapos ihayag na hindi na sila magpiprisinta sa articles 1, 4, 5, 6 at 8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply