Jinggoy uminit ang ulo sa bank accounts ni Corona

TUMAAS ang boses ni Senator-Judge Jinggoy Estrada sa kanyang pagtatanong sa presidente ng PS Bank na si Pascual Garcia III sa pagharap nito bilang testigo sa nagaganap na impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ito ay makaraang ipahayag ni Garcia na walang laman ang ibang bank account ni Corona na kabilang sa ipina-subpoena ng Senado.

Sa pagtatanong ni Estrada, inamin ni Garcia na zero balance ang account ni Corona noong 2008, pati na sa iba pang taon.

Dahil dito, dismayadong sinabi ni Estrada ang mga katagang “kaya pala hindi mo tinatanong!” kay private prosecutor Dimetriu Costudio.

Sa huli, inamin ni Garcia na hindi niya dinala ang dokumento sa dollar accounts ng chief justice dahil naman sa pangamba sa criminal liability sa umiiral na foreign currency law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply