Judge Yap bagong associate justice ng CA

SI HOUSE Secretary General Marilyn Lagura-Yap na ang bagong associate justice ng Court of Appeals (CA). Ito ang inanunsyo ngayon ng Malakanyang.

Malaki ang paniniwala ng Malakanyang na maitataguyod ni Yap ang integridad at propesyunalismo sa CA.

Tiwala rin sila na malaki ang maitutulong ni Yap sa reporma sa hudikatura.

Siya ay may 27 taon na nang naninilbihan sa pamahalaan.

Gumradweyt si Yap na isang cum laude sa UP College of Cebu at nag-aral ng abogasya sa University of San Carlos.

Bukod kay Yap, na-appoint din sina Judge Jean Susan Desuasido Gill sa Metropolitan Trial Court Branch 79 ng Las Piñas City at Judge Jacob Montessa II sa Metropolitan Trial Court Branch 80 ng Muntinlupa City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply