Julaton malamang kuyugin din sa Argentina!

NANGANGAMBA ang boxing fans na baka sapitin din ni WBO super bantamweight champ Ana “ The Hurricane” Julaton (10-2-1) ang nangyari kay Johnriel Casimero sa Mar del Plata, Argentina dahil sa laban niya kay undefeated star Yesica Marcos (18-0-1) sa March 16 sa naturang bansa.

Subalit sinabi ni Julaton na hindi siya natatakot na lumaban doon at katunayan ay excited pa nga siyang makasabak sa ring doon.

“I’m really excited about fighting in Argentina. All of it just gets me amped up, it’s really getting me juiced about it,” pahayag ni Julaton.

Aniya, nais niyang patunayan sa lahat na nakahanda siyang lumaban kahit saan para sa karangalan ng mga Pinay.

“I want to show the Boxing World that I will fight anyone, anywhere at any time and will do my utmost to represent the proud Filipina Nation in the great traditions that they come to expect,” wika ni Julaton.

Tiniyak naman ng promoter ni Julaton na si Allan Tremblay na hindi na mauulit ang rito na naganap sa laban ni Casimero kay Luis Lazarte noong nakaraang Sabado.

Ayon promoter ng female fighting pride ng bansa, kukuha rin sila ng neutral officials na aaprubahan ng WBO at siyang mamamahala ng laban.

Matatandaan na tinalo ni Casimero ang pambato ng Argentina na si Lazarte via 10th round TKO kaya nasungkit niya ang interim IBF light-flyweight crown.

Kahit hindi pa naigagawad kay Casimero ang korona, agad na nag-riot ang mga fans ni Lazarte kung saan pinagbabato ng silya at bote ang Pinoy boxer kasama na ang team nito.

Ayon sa ulat, wala namang nasaktan sa kampo ng Team Casimero at inalalayan naman ang mga ito ng mga alagad ng batas doon palabas ng venue.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply