Julie Anne San Jose napansin na rin sa wakas ng GMA

SA WAKAS napapansin na nang bonggang-bongga ng GMA-7 si Julie Anne San Jose matapos na pumirma ito ng kontrata para sa gagawing album.

Naku kung hindi pa naman ay ewan na lang natin (ooppss teka… hindi ko sinasabi na hindi na pinababayaan siya ng kanyang mother network ha!).

Milyon-milyon lang naman ang nagwa-watch ng live performance ni Julie Anne ng sikat na kanta ni Nicki Minaj na Super Bass sa concert ni David Archuleta noong isang taon.

Well maging ang video ng rehearsal (yata, basta nasa studio with matching accoustice guitar pa) ng nasabing kanta ay love na love ng mga otaw! Milyon-milyon na rin ang nag-download nito upang mapakinggan sa cellphone at gadget ng mga music lover.

Maging ang inyong lingkod ay namangha sa malupit na boses ni Julie Anne at mayroon akong mp3 ng kanyang version. Love it!

Gusto ko ang version nya, walang palya at talagang tinatamaan ang mga high notes sa kanyang version ng naturang kanta.

Marami akong nasasagap na balita na mas mahusay o kaya naman ay pwedeng itapat ang version ni Julie Anne sa original nito. Pwede!

Yung original kasi ay pangsayaw habang yung kay Julie Anne accoustic at batay sa mga kwento sa tabi-tabi (FB, Twitter at umpukan) mas nauunawaan daw ang lyrics o dictation sa version ng Kapuso singer.

Ito pa, nabasa nga natin sa isang site na kasama na si Julie Anne sa nag-trending sa buong mundo sa batay sa key-word na “Julie Anne San Jose Day” noong isang araw (Pebrero 20).

Kaya tinawag na Julie Anne San Jose Day ang Feb. 20 ay dahil iyon ang araw na pumirma na siya ng kontrata sa GMA Records para sa gagawing album.

Malamang na marami ang nag-aabang ng kanyang album.

Baka ito na ang super big break niya sa kanyang home network.

Pwede na rin kaya siyang itapat kay Charice Pempengco na sikat hindi lang dito kungdi maging sa iba’t ibang parte ng mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply