Jun Omar Ebdane iprinoklama na ng Comelec

KINUMPIRMA na Commission on Election (Comelec) si Jun Omar Ebdane bilang bagong kinatawan sa Kamara para sa ikalawang distrito ng Zambales.

Iprinoklama ang pagkapanalo ni Ebdane kanina alas-11 ng umaga, makaraang makakuha ng 62,867 na boto, ani Comelec spokesman James Jimenez.

Naging kalaban ni Ebdane sa ginawang special election si dating Zambales governor Amor Deloso na nakakuha ng 56,945 votes.

Si Ebdane ay anak ni dating defense secretary at kasalukuyang Zambales Gov. Hermogenes Ebdane.

Ginawa ang special elections kasunod ng pagpanaw ni Rep. Antonio Diaz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply