Kabog ang ibang co-actors, Enchong Dee nagpapatayo na ng sariling building

KUNG ang kalabtim niyang si Erich Gonzales sa Maria la del Barrio na magtatapos na next week ay may apat ng investment na bahay (dalawang condo, isang townhouse sa Kyusi at bahay sa Davao para sa pamilya). Ito namang si Enchong Dee na tatahi-tahimik lang ay nagpapatayo na pala ng sarili niyang building na may limang palapag diyan sa bandang Cubao.

Si Enchong mismo ang nagkuwento nito kay Kris Aquino nang sabay silang mag-guest ni Erich sa morning show ng Queen of All Media na Kris TV. Inalam kasi ni Kris mula sa hottest loveteam na ito kung anu-ano na ang kanilang mga naipundar sa mga kinita nila sa kanilang pag-aartista. ‘Yung isang condo pala sa Malate, bale ‘yun ang kanyang talent fee sa ini-endorsong Birch Tower. Pero, si Enchong mula sa hard earned money niya ang ginastos sa sariling building na this year na matatapos.

Dagdag kuwento pa ng actor, bale ‘yung ground floor nito ay gagawin niyang commercial space, then ang apat na palapag naman ay magiging residential. Nakatutuwa namang kapwa marunong humawak ng kani lang pera sina Erich at Enchong kaya malayo talaga ang mararating nila. By the way, last Wednesday ay nag-last taping na ang dalawa kasama ang mga co-stars sa kanilang top-rating na Maria la del Barrio. Kaabang-abang ang bawat eksena sa huling linggo nito kung saan babawiin na ni Maria (Erich) kay Sabrina (Jewel Mische) ang anak nila ni Luis (Enchong) na si Andi. Pero mangyari kaya ito lalo pa’t nag-dialogue itong si Sabrina kay Maria na: “Iyo na ang asawa ko pero akin ang anak mo!”

Magtagumpay kaya si Sabrina sa kanyang hangad pero papayag naman kaya si Maria na hindi makuha si Andi lalo pa’t matagal na panahon na itong sabik makita ang kanyang anak na itinago sa kanya at pinalabas na matagal ng patay.

Samantala, magwawakas na ang kasamaan ni Victoria (Angel Aquino) dahil unti-unti nang nadidiskubre ang mga itinatago nitong sikreto. At si Fernando (Ian Veneracion), iiwan na kaya nito nang tuluyan si Victoria at babalik ito sa tunay na minamahal na si Sandra (Assunta de Rossi) na Mama ni Maria?

***

Gladys Reyes sinasayang lang ang pagiging mahusay na talk show host sa Juiceless ni Manang Cristy

HONESTLY, in all fairness my BFFT Pete A. sa kanyang sariling talk show na Moments sa Net 25 ay hindi kataas-taas ng kilay na mai-level na itong si Gladys Reyes kina Kris Aquino at Sharon Cuneta pagdating sa husay at galing nito bilang talk show host.

Naka-build-up na siya ng kanyang sariling pangalan sa field na ito. Marami na ang mga nagtitiwala sa kanya, kita nyo naman magbanggit kayo ng pangalan ng malalaking celebrity lahat sila naging guest na ng TV host-actress. Tapos, sasayangin lang ni Gladys ang mga pinaghirapan niyang ito para maging parte ng walang kakwenta-kwentang Juiceless ni Manang Cristy Fermin. Siguro kapag nawala ang kabsat na ito ni Portia Ilagan at siya na ang ipalit ay swak na swak sa kanya ang show dahil may anghang naman siyang mag-host at higit sa lahat, makabago siya. Pero habang naririyan si Manang Orocan, mananatili siyang extra sa show at magmumukhang tanga sa ere dahil naiiwanan siya kapag sabay-sabay nang nagto-talkies sina Alex Gonzaga, IC Mendoza, Shalalaletch at Pangitelyang Ferminata. Sana pahalagaan n’yo naman si Gladys, no? Kuha nyo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply