Kabute

PARAMI ng parami ang mga batang namamalimos sa lansangan upang makatawid sa pang-araw-araw na pangangailangan lalo na ang pagkain.

Isinasahod ang kanilang palad sa mga taong makasasalubong sa daan upang maawa at bigyan sila ng konting barya.

Hindi lang mga bata ang laman ng lansangan upang mamalimos subalit maging ang mga matatanda at may kapansanan.

Parang libangan na lang sa kanila ang pamamalimos dahil wala naman silang mapasukang trabaho at wala rin namang ibinibigay na tulong sa kanila ang gobyerno.

Sa halip na mabawasan, patuloy ang pagdami ng mga namamalimos sa lansangan.

Maiintindihan natin ang pagdami ng mga pulubi at gumagawa ng iba’t ibang raket sa lansangan noong magpa-Pasko dahil lahat ay nais na maging masaya ang pamilya sa pagsilang ng Panginoong Hesukristo.

Ang mga bata, nais na may bagong damit at iba pang gamit sa okasyon.

Pero tapos na ang Pasko, kaya naman pangit at nakaiirita nang tingnan ang mga kabataang natutulog sa lansangan kapag gabi.

Masakit na rin sa mata ang pagsakay-sakay ng mga ito sa mga pampasaherong sasakyan upang manghingi ng limos.

Nakatatakot pa nito, baka sila mahulog sa mga sasakyang kanilang inaakyatan upang manghingi ng konting tulong.

Kawawa rito ang tsuper ng sasakyan, kapag nagkataon, dahil gagastos pa sa pagpapagamot.

Ang konting perang iuuwi sa pamilya ay mababawasan pa.

Kaya naman, hanapin natin kung nasaan na ang ipinagmamalaki ng pamahalaan ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply