Kahabaan ng Edsa nagkulay dilaw

NAGKULAY dilaw ang magkabilang panig ng kalsada sa bahagi ng mgkabilang kampo sa Santolan Road dahil sa mga inilaglag na dilaw na confettis ng Huey helicopter ng Armed Forces of the Philippines kasunod ng pagwawagayway sa ere ng streamer na may bandila ng Pilipinas at mga lobo para sa pagdiriwang sa ika-26 na anibersaryo ng Peoples Power Revolution sa Edsa ngayon.

Umabot sa mahigit 4,000 ang dumalo at nakilahok sa naturang pagdiriwang na dinaluhan din ng mga dating Pangulo ng bansa at matataas na opisyal ng gobyerno na nakilahok noon sa rebolusyon.

Pasado alas-7:00 ng umaga, pinangunahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang flag-raising ceremony kasama sina Vice President Jejomar Binay, dating Pangulong Fidel Ramos, dating Pangulong Joseph Estrada, House Speaker Feliciano Belmonte, AFP Chief of Staff Lt. General Jessie Dellosa, Sen. Juan Ponce-Enrile, mga kawani ng Philippine National Police (PNP), local government units (LGU) at ilang mga estudyante.

Sinundan ito ng pagpaparangal ng Pangulo sa taunang “Spirit of EDSA Foundation Award” sa dalawang taong nagsilbing magandang inspirasyon sa kabataan.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng ilang aksidenteng tinamaan ng mga nakasupot na dilaw na confetti na buo-buong bumagsak mula sa chopper.

Matapos ito, nagkaroon ng tradisyunal na “salubungan” sa pangunguna ni dating Pangulong Ramos kasama sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino at mga alkalde sa Metro Manila.

Naghandog din ng awiting “Bayan Ko” ang sikat na singer na si Freddie Aguilar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply