Kahalagahan ng fluoride

KAPAG tungkol sa ngipin ang pinag-uusapan, naririnig natin ang salitang fluoride na kadalasang alam ng mga tao ay mula sa toothpaste na ating ginagamit. Tama naman ito, mayroong fluoride ang toothpaste, pero ano nga ba ang fluoride at paano ito nakatutulong sa pangangalaga sa ating mga ngipin?

Ang fluoride ay isang natural element na matatagpuan sa earth’s crust, at maging sa tubig at hangin.

Ito ay kinukonsidera na isang nutrient dahil ang ating katawan ay kailangan ng fluoride upang lumaki at mag-develop ng maayos.

Ilang dekada na ang lumilipas ay lumabas sa isang pag-aaral ng mga siyentipiko na ang mga bata na madalas at malakas uminom ng tubig ay natural na mas maraming fluoride sa katawan at may konting cavities.

Noong mid-1940s, ang mga komunidad ay naglalagay ng maraming fluoride sa kanilang water supplies para maprotektahan ang mga tao laban sa tooth decay.

Malaki ang naitutulong ng fluoride dahil kapag ang ngipin ay lumalaki, ito ay humahalo sa enamel (ang “hard coating” sa aitng mga ngipin). Ito ang nagpe-prevent ng tooth decay, o cavities. Malaki pa rin ang naitutulong ng fluoride kahit na pagkatapos na mabuo ang mga ngipin.

Nakikipagtulungan ang flouride sa ating saliva (laway) para maprotektahan ang tooth enamel laban sa plaque at sugars.

Kaya naman ang pagsisipilyo gamit ang toothpaste ay mapangangalagaan natin ang ating mga ngipin dahil mayroong fluoride ang toothpaste.

Maliban sa toothpaste pwedeng tanungin sa inyong dentista kung paano pa kaya makakukuha ng maraming flouride. Maaaring magrekomenda siya
ng mouthwash na mayaman sa fluoride.

At kapag ang inyong inuming tubig ay walang fluoride ay pwede ring magrekomenda ng supplements na mayaman sa fluoride ang inyong dentista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply