Kahandaan ng Metro Manila sa lindol sisilipin

PINAIMBESTIGAHAN ng isang senador sa mga kinauukulang komite ng Senado ang kahandaan ng gobyerno sakaling tamaan ng malakas na lindol ang Metro Manila matapos ang pagyanig sa Kabisayaan kahapon (Lunes, Pebrero 6).

Ayon kay Sen. Manny Villar, kailangang masiguro ang kahandaan ng pamahalaan sa isang malakas na lindol lalo pa’t lumabas sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) noong 2004 ang grabeng epekto ng malakas na lindol sa Metro Manila.

Ang report ng MMEIRS ang ginamit ding basehan ng assessment ng Pacific Strategic Assessments (PSA), isang business risk consultancy firm, na malalagay sa “state of chaos” ang Metro Manila oras na ugain ito ng 7.2 magnitude lalo na kung mataon ito sa oras ng trabaho kung saan 14 milyong katao ang nasa Metro Manila.

Binanggit pa ni Villar na sa nasabing pag-aaral na pinondohan ng Japanese government, aabot sa 50,000 katao ang mamamatay, 38 porsyento ng kabahayan at 30 porsyento ng mga gusali ang masisira kapag tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.

Idinagdag pa sa report na 500 insidente ng sunog ang lalagablab sa Metro Manila bunsod ng pagkasira ng mga kabahayan at gusali.

“The MMEIRS showed that because Metro Manila is surrounded by numerous earthquake generators and that the active phases of the West Valley Fault phase are quickly approaching, the country’s existing disaster management systems are insufficient and an earthquake could cause a national crisis,” paliwanag ni Villar.

Sa inihain nitong resolusyon, partikular na inaatasan ni Villar ang Senate committee on climate change, local government at national defense na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa kahandaan ng pamahalaan sa isang malakas na lindol na tatama sa Metro Manila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply