Kahit nagmura ang harina, presyo ng tinapay hindi ibababa

NANINDIGAN ang grupo ng panadero na hindi pa nila maaaring ibaba ang presyo ng tinapay bagamat bumaba na ang presyo ng harina.

Ayon kay Luisito Chavez ng Philippine Federation of Bakers Association na napakaliit lamang ng ibinaba sa presyo ng Philippine Association of Flour Millers at hindi ito sapat upang magbawas sila ng halaga ng kanilang ibinebentang tinapay.

Aniya, hindi naman harina lamang ang sangkap sa paggawa ng tinapay bukod pa sa patuloy na pagtaas ng halaga ng liquified petroleum gas (LPG) na ginagamit nila sa pagluluto ng tinapay.

Posible aniyang magbaba sila ng halaga ng tinapay kung dadagdagan ng grupo ng flour millers ang pagbabawas sa halaga ng kada bag ng harina.

Sinabi ni Chavez na may dagdag naman sa laki ng kanilang ibinebentang pandesal bilang konsuwelo na rin sa kanilang mga suki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply