Kaibahan ng PHLRC sa ibang samahan

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!

Halos araw-araw ay marami ang nagtatanong sa amin kung ano nga ba ang kaibahan ng PHLRC sa ibang riders club.

Ano-ano ba’ng mga benepisyong makukuha ng mga miyembro sa PHLRC?

Sa araw na ito, sasagutin natin ang kanilang mga katanungan.

Unang-una, ang isa sa pinakalayunin ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ay nagbibigay ng paalala sa ating mga kababayang nagmo-motor hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho lalo pa’t halos araw-araw na lang ay naging laman ng mga balita ang mga aksidente sa daan na kinasasangkutan ng motorsiklo.

Malawak ang PHLRC. Maliban sa inilunsad naming kampanya sa Youtube kung saan mapapanood ninyo roon ang PHLRC Driving Safety Campaign, sa social networking site na Facebook at sa aming website… higit na naiparating ng PHLRC riders ang aming layunin sa pahayagang BAGONG TORO at Remate kung saan nagbibigay kami ng safety driving tips at maraming-marami pang iba.

Alam namin na ang layunin naming ito ay layunin din ng ibang riders club.

Pangalawa, nais din ng PHLRC riders na magiging huwaran ang samahang ito sa ibang samahan o riders club. Marami pong riders club ngayon na tila hindi nagkakaisa ang kanilang mga miyembro hanggang sa ito ay maglaho.

MAY KARUGTONG

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply