Pagbawas sa panghuhuli ng isda pinaplano na ng BFAR

NAGPAPLANO na ang Department of Agriculture na ipatupad na madagdagan ang limitasyon ng hanggang dalawang taon ang pagbawas sa panghuhuli ng isda para sa seguridad ng pagkain sa bansa.

Dahil sa planong ito, mapipilitan ang gobyerno na hayaan ang importasyon ng isda upang matugunan ang pangangailangan nito ayon kay Asst. Director Benjamin Tabios ng Bureau of Fisheries.

“We want to reduce the catching of fish in the next two years so that stocks will recover in order to protect our food security,” ayon  pa kay Tabios.

Dagdag pa nito na bumagsak aniya ng hanggang  4.1 percent ang output ng produksiyon ng isda isang taon bago mag-2011, habang ang bumagal ang paglago nitong nakalipas na mga taon.

Kinakailangan aniya ang pagitan ng ika-siyam na buwan at  buong taon bago maikasa ang planong palawakin ang pagbawas sa panghuhuli ng isda.

Aniya halos 100 million katao sa buong Pilipinas ang dumedepende sa isda na pinagkukunan ng protina bagamat 4% lamang ang ambag nito sa ekonomiya ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply