Kakaunting laman ng sardinas sa lata inireklamo

NAGREREKLAMO na ang mga consumer sa kakaunti na laman ng kada lata ng sardinas na nabibili sa mga supermarket.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Philippine Association of Supermarkets Incorporated (PASI) secretary general Federico Ples ang bawat konsyumer na dapat maging matiyaga, ‘tuso’ at paglaanan ng oras ang pamimili upang makilatis nang husto ang mga produkto para makahanap ng murang produkto nang hindi naisasa-alang-alang ang kalidad nito.

Binigyang diin ni Ples, na higit na mabuti na magkaroon ng listahan sa pamimili upang makatipid sa oras.

Bukod dito, kinumpirma naman ni Ples na magtataas na ng stock ng sardinas sa mga supermarket.

Samantala, pinaki-usapan ni Ples ang kanilang mga kasapi na huwag patungan ang presyo ang mga sardinas na nabili na ng supermarkets bago pa ang naging pagtaas sa presyo nito.

Paglilinaw nito, dapat nasa anim hanggang walo ang laman ng kada lata ng sardinas.

Ayon kay Ples, maaaring ibalik ng konsyumer ang nabili nilang sardinas sa binilhan nilang supermarket kung kulang ang bilang nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply