Kalakalan sa Negros Oriental umaandar na

NAGSISIMULA nang bumangon ang lalawigan ng Negros Oriental makaraang buksan na sa trapiko ang national road mula sa Dumaguete City hanggang Guihulngan City, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, naisaayos na ng kagawaran ang mga napinsalang tulay at kalsada sa lalawigan, kabilang na ang 14 na tulay na pangunahing daanan palabas at papasokl ng Negros Oriental.

Kasalukuyan pa ring inaayos ang anim pang tulay, habang nagtalaga ang DPWH ng detour routes o alternatibong dadaanan at spillways sa mga apektadong tulay.

Sinabi pa ni Singson, bibilis na ang transportasyon ng relief goods para dalhin sa mga naging biktima ng lindol sa mga bayan ng Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad at sa Guihulngan City.

Kabilang sa mga nakumpuning tulay ay ang Oyangon RCD, Calag-Calag, Anibiong, Tampocon, Ayungon, Iniban I, Iniban II na matatagpuan sa bayan ng Ayungon; San Jose at Jimalalud; Bateria, Tinayunan, P. Zamora, at Habag sa Guihulngan City; La Libertad at Malaiba sa bayan ng La Libertad.

Pinapurihan din ni Singson ang mga enhinyero at maintenance crew ng kagawaran mula sa Negros Oriental at Occidental sa kanilang ipinamalas na ‘bayanihan spirit’ upang mapadali ang pagbabalik ng trapiko sa lalawigang nasalanta ng malakas na lindol kung saan umaabot na sa 60 katao ang nasawi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply