9 mediamen siguruhing ligtas – Malakanyang

AGAD iniutos ng Malakanyang na siguruhing ligtas ang siyam na mamamahayag na sinasabing binihag ng armadong kalalakihan sa Zamboanga del Sur kaninang umaga.

Sa ngayon ay kinukumpirma pa rin kung totoong dinukot ang mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hinihintay pa rin nila ang pinakahuling ulat na manggagaling sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na pawang naatasang alamin kung totoong hinostage ang mga biktima.

Batay sa nakuhang impormasyon, nagtungo ang naturang mamamahayag sa Sitio Balabag Brgy. Bitore, upang i-cover ang illegal mining activites sa lugar.

Sinabi ni Sec. Lacierda na inaalam na rin ng awtoridad kung anong grupo ang sangkot sa napabalitang hostage-taking incident.

Nauna rito, napaulat na alas-10:00 ng umaga kanina nang dukutin ng armadong kalalakihan ang nasabing bilang ng mamamahayag.

Ang mga nasabing mga miyembro ng media ay nasa Sitio Balabag Brgy. Bitore, sa nasabing probinsya upang mag-cover sa illegal mining activites sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply