Kalsada, tulay na sinira ng lindol binuksan na

BINUKSAN na sa mga motorista ang Dumaguete North Road, ang kalsada mula Dumaguete City hanggang  Guihulngan City na nasira ng nagdaang lindol, pati na rin ang 14 na tulay matapos ang puspusang pagkukumpuni at restoration works ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH Sec. Rogelio Singson, nakakadaan na ang mga pampasaherong bus at mga truck kaya’t patuloy ang pagdadala ng mga relief services at food supplies sa mga bayan na tinamaan at sinalanta ng lindol gaya ng Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La libertad, at lungsod ng Guihulngan.

Samantala, anim pang mga tulay ang nangangailangan ng reconstruction kayat nagtayo ang DPWH ng detour route habang ginagawa ang spillway sa tulay ng Pangaloan sa Jimalalud.

Ang mga tulay na naibalik na sa normal ang operasyon ay ang mga sumusunod: Oyangon RCDG Bridge, Calag-Calag Bridge, Anibiong Bridge, Tampocon Bridge, Ayungon Bridge, Iniban Bridge I at Iniban Bridge II sa Ayungon; San Jose SPG Bridge at Jimalalud Bridge sa Jimalalalud; Bateria SPG Bridge, Tinayunan Bridge, P. Zamora Bridge at Habag Bridge sa Guihulngan; La Libertad Bridge at Malaiba Bridge sa La Libertad.

Sinabi rin ni Singson na ang mga  teams ng DPWH engineers at maintenance crew na mula pa sa iba’t ibang district engineering offices sa Negros Oriental (Region VII)  at Negros Occidental sa Region VI ay sama-samang nagtatrabaho upang maibalik sa normal ang daloy ng trapiko sa lugar.

Sa ulat ng  DPWH inspection team na nagsagawa ng  assessment sa Guihulngan public market ay nalaman na matibay pa ang gusali subalit ang lumang gusali ng Guihulngan District Hospital, Justice Building at Land Bank building sa Guihulngan ay inirekomenda para sa reconstruction at retrofitting.

Inirekomenda rin ang  reconstruction ng  collapsed flood control structures na matatagpuan sa munisipalidad ng  Ayungon pababa sa  Vallehermoso sa Negros Oriental. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply