Kamara dumistansiya sa ‘agawan’ kay Cong. Iggy

HINDI pakikialaman ng Kamara de Representantes ang alitang namamagitan sa mga naging karelasyon ng yumaong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Ito ang sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte kasabay ng kaniyang apela sa dating asawa ng kongresista na si Alicia “Aleli” Morales at Grace Ibuna na sa halip na magbangayan at magturuan kung sino ang dapat na mag-uwi ng bangkay ay irespeto na lamang yumaong mambabatas.

Binigyang diin pa ng Speaker na dapat ayusin na ng kaukulang partido ang anumang iringan upang maisa-ayos na rin nila ang ilalaang necrological services kay Arroyo sa Batasan.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag dahil sa mga naunang pagkumpirma ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Alicia na hihingi siya ng tulong sa Kamara matapos mabigong maiuwi ang bangkay ni Iggy sa Pilipinas.

Ayon kay Kapunan, kasama siya ni Aleli na nagtungo sa London noong Pebrero 1, upang sunduin at iuwi sa Pinas ang mga labi ni Rep. Iggy subalit hindi ito pinayagan ni Ibuna sa pagnanais na ma-cremate ito doon.

Naunang inakala ni Aleli na siya ang makapag-uuwi sa bangkay kaya siya nagtungo ng London upang paglamayan ito sa kanilang tahanan sa La Vista Subdivision, sa Quezon City para sa burol mula Pebrero 4 hanggang 7 at necrological services sa Kamara sa Pebrero 7.

Pagkatapos nito ay nakatakda sanang iuwi ang mga labi ng mambabatas sa Negros Occidental sa Pebrero 8 at ibabalik muli ng Pebrero 9 sa La Vista bago ilibing ng Pebrero 11 sa Manila North Cemetery.

Si Cong. Iggy ay pumaaw noong Enero 26 sa London matapos atakihin sa puso habang nagpapagamot sa kanyang sakit na liver cirrhosis mula pa noong nakalipas na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply