Kamara tutol sa pagbuwag sa NADESCOM

TUTOL ang Kamara sa planong pagbuwag ng Department of National Defense sa National Development Support Command (NADESCOM) na nagpapatupad ng civil-military operations at development projects ng pamahalaan.

Naghain ng House Resolution 2053 si Bohol Rep. Enrico Aumentado na nanghihikayat sa pamunuan ng DND na huwag ng ituloy ang planong pag-alis sa NADESCOM sa Mayo 3.

Giit ni Aumentado, naging epektibo ang pagpapatupad nito upang maipanalo ang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde.

Bukod dito, naipanalo na rin laban sa rebelyon ang mga lalawigan na laganap ang mga bandido gaya ng Bohol at Cebu dahil sa mga programa sa ilalim ng NADESCOM.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply