Kamay ng bata naipit sa escalator, nalasog

HINDI na kailangang putulin ang kanang kamay ng 7-anyos na bata na naipit sa escalator ng isang mall sa Caloocan City kagabi.

Matatandaan na nagkalasog-lasog ang kamay ng biktimang si Felix Aparejado, 7, makaraang maipit sa huling bahagi ng escalator ng Puregold alas-7 ng gabi kagabi.

Sinisi ng ina ng biktima na si Eva kaya hindi agad naagapan ang pagkakaipit sa kamay ng anak dahil sa hindi pagpapasok ng mga security guard sa mga dumating na rescuers.

Nabatid na inabot muna ng halos limang oras bago nabaklas ang escalator at nailigtas ang biktima.

Agad namang naisugod sa MCU hospital ang bata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply