Kampanya vs illegal quarry pinaigting

MARIING ipinahayag ngayon ni North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza na seryoso ang kanyang pamunuan kaugnay sa pagpapapigil sa mga illegal na quarry operation sa buong lalawigan.

Sa ginawang  pagpupulong kasama ang mga opisyal ng barangay, mga quarry operator at opisyales ng  National Irrigation Administration (NIA), Department of  Public Works and Highways (DPWH) at iba pang  ahensiya ng  pamahalaan, inihayag ni Mendoza na handa siyang  magbigay ng  pabuya sa  mga  barangay para hulihin ang mga iligal na naghuhukay sa mga quarry resources ng  lalawigan.

Bibigyan niya ng  P50,000 ang barangay na mauunang  magre-report ng mga illegal  quarry operator, quarry operators na walang permisong maghuhukay, at  mga  quarry operator na nagsasagawa ng  paghuhukay sa labas ng mga lugar na nakasaad sa kanilang  quarry permit. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply